Mahilig talaga akong magsulat. Be it simple love stories, personal
experiences, pespectives o opinyon sa iba't ibang pangyayari sa paligid
o sa mga napapanahong usapin, lalo na ang tungkol sa aking tunay at
iba't ibang saloobin na madalas ay hindi ko nasasabi nang harapan sa
ibang tao. At sa pamamagitan ng inyong mababasa na iba't ibang mga
pag-"muni-muni" na naibahagi ko sa bawat pahina ng librong ito, maging
repleksiyon din sana ito ng inyong sariling mga karanasan sa
pang-araw-araw na kuwentong-buhay na dumarating sa atin - simple man o
ordinaryo sa paningin ng iba, pero may malalim na kahulugan at may dulot
na kabuluhan para mas mapahalagahan natin ang ating mga sarili at
magpatuloy sa buhay.