Siya si Lexie Mazelle Tiangco, isang simpleng gurong babae na ang nais
lang ay tahimik na buhay at magturo sa mga bata. Hindi niya aakalaing
dahil lang sa isang gabing pakakamali ay may mabubuo sa kaniyang
sinapupunan. Nagkayayaan lang naman sila ng kaniyang mga kaibiganna
uminom sa isang bar at pagkagising niya kinaumagahan ay may katabi na
siya na isang guwapong lalaki. Ang lalaking magpapabago ng kaniyang
buhay. Siya si Vhiel Adriel Ferrer, isang negosyanteng lalaki. Seryoso
lang ito sa buhay at malamig sa ibang tao. Wala sa bukabolaryo niya ang
salitang saya at ngiti. Hindi nagtagal ay nagpakasal silang dalawa upang
mabigyan ng kompletong pamilya ang kanilang magiging anak. Matapos ang
ilang buwan ay pareho silang nahulog sa isa't isa. Naging masaya silang
dalawa nang nagmamahalan ngunit hindi rin ito nagtagal sapagkat may
babaeng sumira sa kanilang dalawa. Siya si Cheisca, isang babaeng baliw
ma baliw kay Vhiel. Ipinagtapat ni Cheisca kay Lexie kung ano ang
nangyari, sinabi nitong nirape siya ni Vhiel upang punan ang
pangangailangan nito noong gabing may nangyari sa kanila. Sinabi rin
nito na plinano ni Vhiel na buntisin siya. Doon tuluyang nasira ang
samahan sa pagitan ng mag-asawa, hiniwalayan ni Lexie si Vhiel nang
hindi pinapakinggan ang panig ng lalaki. Lumipas ang limang na taon at
malalaki na ang mga anak ni Lexie at Vhiel. Ito ay sina Thunder Razelle
at Storm Jazelle. Nagdesisyon si Lexie na bumalik ng Pilipinas upang
tapusin ang namamagitan sa kanila ni Vhiel, kasal pa rin kasi siya sa
lalaki at gusto niya nang makipaghiwalay dito. Hindi naging madali kay
Lexie na pilitin si Vhiel sa kaniyang nais lalo na nang makilala ni
Vhiel ang kambal. Pursigido na ayusin ni Vhiel ang nasira nilang pamilya
ngunit ayaw na talaga ni Lexie. Dumagdag pa rito ang katotohanang may
boyfriend na si Lexie at kaya ito nakikipaghiwalay sa lalaki ay upang
mapakasalan nito ang kaniyang bagong kasintahan. Ngunit hindi sumuko si
Vhiel, ginawa niya ang lahat upang mabalik sa kaniya ang minamahal niya
at hindi naman nabigo. Muling bumalik sa piling niya si Lexie Mazelle.